Mag-iisang buwan na ang pagkaasar ko sa signal ng Globe.
Sobrang hina ang reception ng signal. Naisip ko na ang lahat
ng pwedeng isipin hinggil sa pagkakaroon ng signal ng Globe
sa cp ko. Una, inakala ko na sira ang phone ko. Subalit, mali.
Kabibili ko lamang ng cp kong 7210 Supernova nung Nobyembre
at talagang buong-buo ito dahil isinaksak ko ang ibang sim card
at punong-puno naman ng signal. Pangalawa, inisip ko na sira
ang sim card ko dahil on-off nga ang signal subalit mali ulit.
kasi nilagay ko sa ibang cp yung sim ko at may signal naman.
At kahit bukod tanging sa area ko lamang sa opisina wala akong
signal. At kahit sa garden malapit sa Rada St. in Legaspi Village,
wala talagang signal. At ang panghuli kong ginawa, tumawag ako
sa Customer Service ng Globe para ireport ang signal ko.
System Administration Failure daw? Ha? Ano un? Pinili daw
ng network provider na putulin ang signal sa ilang area ng Makati
dahil sa ginagawa daw ito. OK, tanggap ko na yung reason, ngunit
bakit bukod tanging ako lang ang walang signal sa office namin?
Isa pa sa area din ng Makati Square at Waltermart Makati, wala
talagang signa phone ko.
Tumawag ulit ako sa Customer Service ng Globe. Sinabi ng agent
na yung number ko daw kasunod ng iba pang number ay talagang
nakararanas ng signal interruption. Hay, hindi naman ganito dati.
Kabi-kabila yung pagpropromote ng Globe na pinalakas na ang kanilang
signal ngunit bakit may mga ganitong pangyayari?
Mahirap ang sitwasyon ko ngayon kasi gustuhin mang tawagan ako
ng mga mahal ko sa buhay at pati ang aking mga kaibigan at kaopisina,
hindi nila ako mare-reach dahil sa signal ng Globe ko.
Walang problema ang phone ko, walang problema ang sim, walang
problema sa area, Ang network provider lang talaga ang problema.
No comments:
Post a Comment