ay sus! sa kagustuhang magpapogi sa mga kapatid nating muslim abe gusto mo pa sen. gordon na kabitan ng isa pang sinag ang araw sa ating watawat? ano ba nangyari sa iyo?
kung inaakala mong ganun kadali yun na parang nagguguhit ka lang gamit ang lapis tapos buburahin mo pagkatapos sakaling di mo magustuhan eh nagkakamali ka. sagrado ang bawat sinag na nakapalibot sa ating araw.
alam nating nakipaglaban din ang ating mga kapatid na muslim nung panahon ng kastila, amerikano at hapon. sabi nga, nauna ang mga kapatid nating Muslim dito sa pilipinas. at alam nating lahat na ang buong bansa ay nakipaglaban upang hindi tayo masakop ng mga ganid na dayuhan.
isang malaking kahangalan kung babaguhin pa ang nasa watawat natin. ang araw, sampu ng bituin at ang kulay asul at pula sa ating watawat ay nanahimik tapos bigla na lang guguluhin nang hindi man lang pinag-isipan. mas marami pang bagay ang dapat asikasuhin. marami pang bagay ang dapat busisiin at napakarami pang bagay ang dapat pagtuunan ng pansin.
sakali mang dagdagan ng sinag, aalma din ang ibang bayan sapagkat kasali din sila sa himagsikan, mayroon ding ipinakipaglaban at higit sa lahat bahagi ng pilipinas.
kung nais mo lamang bigyan ng malinaw na representasyon ang mga kapatid nating muslim, hindi issue dito ang sinag sa ating watawat. sino ba naman ang may-ayaw ng pagkakaisa.
isipin mo ito sen. gordon, nanahimik ang mga kapatid nating Muslim. hindi kailanman pinakialaman ang watawat sa mahabang panahon o ang bawat simbolong nakapaloob dito. ikaw na mismo sen. gordon ang nagsindi ng mitsa upang magkaroon ng di-pagkakaunawaan ang bawat mamamayang pilipino.
No comments:
Post a Comment